Information Education Campaign

Noong ika-1 ng Hulyo taong kasalukuyan, inatasan ng ating Punong Bayan ang ating Municipal Administrator na magtungo sa Barangay Luac at Barangay Halsey sa sumunod na araw (Hulyo 2, 2020) upang makapag-bigay kaalaman patungkol sa kasalukuyang estado ng ating bayan sa COVID-19 pandemic. Layunin nito na mas maging malawak pa ang nalalaman ng ating mga kababayan para sa kanilang kaligtasan lalo’t nasa malalayong ibayo sila ng ating bayan.

Patuloy na pinapaalala sa lahat ng mamamayan na panatilihin pa rin ang mga protocols para sa kalusugan ng bawat isa, ang pagtitipon ay dapat na iwasan kasabay ng pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng kani-kanilang mga tahanan. Gayun din ang pagiging malinis at pag-sanitize ng mga kamay. Ito’y mga simpleng paalala upang tayo’y patuloy na maging ligtas sa banta ng pandemya sa ating bayan.

Sinigurado pa rin ng ating Punong Bayan sa pamamagitan ng ating Municipal Administrator na paigtingin ang pagbabantay sa mga dungguan ng mga nasabing barangay. Lahat ng mga ito ay magsisilbing pakiki-isa ng bawat isang mamamayan sa pagpapanatili ng ligtas na bayan ng Culion.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!