Kabuhayang Sari-sari Store/Tyangge Packages for Barangay Binudac!

COVID LOCAL RECOVERY PLAN UPDATES: AYUDANG DAGDAG KABUHAYANG SARI-SARI STORE/T’YANGGE PACKAGES IPINAMAHAGI SA BRGY. BINUDAC!

Walang pinili lahat ng kwalipikado tinulungan yan ang nais ipaabot ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera sa ating bayan ngayong nahaharap sa krisis na dulot ng COVID-19.

Sa pag papatuloy, muling umikot si Mayor V sa Barangay Binudac kung saan personal na iniabot sa mga benepisaryo ang kanilang dagdag kabuhayan na SARI-SARI STORE/T’YANGGE PACKAGES na mula sa lokal na pamahalaan, mayroong mahigit 61 na benepisaryo ang nakatanggap ng nasabing ayuda. Mensahe ng Punong Bayan, magtulungan sa halip na inggit ang pairalin, unawain ang mas higit nangangailangan upang umunlad ang bawat isa.

Miyerkules ika-9 ng Setyembere 2020, katuwang ng mahal na mayor si SB Solas at ilang kawani sa pamamahagi. Mag papatuloy ang ganitong gawain upang matugunan ang hinaing ng ating mga kababayan makaahon sa krisis na dulot ng pandemya.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!