
Kahapon araw ng Lunes (April 12, 2021) sa pagpapatuloy ng contact tracing ay nakapagtala ng isang bagong kaso ng local transmission sa bayang ng Culion
Kahapon araw ng Lunes (April 12, 2021) sa pagpapatuloy ng contact tracing ay nakapagtala ng isang bagong kaso ng local transmission sa bayang ng Culion. Ito ay si LOCAL CASE #9 17 years old, male, at primary close contact ng tatlo sa mga naunang limang local cases sa ating bayan. Patuloy pa rin po ang isinasagawang contact tracing sa bayan ng Culion. Muli po naming inaasahan ang inyong kooperasyon at pangunawa sa mga nagaganap na paghihigpit sa ating bayan. Kung may kasama po kayo sa inyong tahanan na naabisuhan na kasama sa close contacts manatili na lamang po kayo sa inyong mga tahanan at magintay sa mga susunod na abiso ng Culion RHU. Mag antabay lang po sa mga update patungkol dito. Maraming Salamat po at Magingat po tayong lahat.