Skip to main content

KAHILINGAN NG ATING MGA KABABAYAN SA IBA’T-IBANG BARANGAY AT MGA SITIOS TINUGUNAN NI MAYOR V MULA SA KANYANG PROGRAMANG MALASAKIT SA KOMUNIDAD!

Higit sa lahat ay ang pagtupad sa pangako bilang halal na opisyal yan ang nais ni Mayor Viniang De Vera sa kanyang administrasyon na ang taong bayan ang prayoridad na mapaglingkuran at maiangat ang estado ng pamumuhay.
Bilang aksyon sa kahilingan ng ating mga kababayan, personal na nag tungo sa iba’t-bang barangay at mga sitios ang ating masipag na Mayor V katuwang mga opisyales at kawani ng gobyerno upang maihatid sa Sitio Layang-layang, Brgy. Halsey ang rolyo ng hose para sa kanilang tubig, Barangay Burabod naman ay semento at hose at sa Sitio Inorol kung saan tumanggap sila ng solar lights, plywood, hose at mula naman sa Sitio Pola, Barangay Carabao naipaabot ang tulong sa komunidad ng mga sumusunod: solar lights, hose, water tank at saku-sakong semento.
Patunay na ang hangarin na mabago at maipadama ang tunay na malasakit tungo sa pag unlad ng bawat barangay at mga sitio na bihira mabigyan pansin noon, ay ang agarang aksyon ng Administrasyon ni Mayor V.
#ProgramangMalasakit
#TatakMayorV
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan