Skip to main content

KAKULANGAN SA SUPPLY NG KRUDO MULA SA POWER PLANT NG CULION DPP INAKSYONAN!

TINGNAN: KAKULANGAN SA SUPPLY NG KRUDO MULA SA POWER PLANT NG CULION DPP INAKSYONAN!
Kaugnay sa pabatid na inilabas sa “Estado ng Pagpapailaw” na kung saan ay tinalakay ang kakulangan sa supply ng diesel at unoperational at opertional na makina.
Ang Lokal na Pamahalaan ay agad nakipag pulong sa myembro ng Biselco at NAPOCOR upang alamin ang sanhi at makagawa ng agarang intervention upang masolusyonan ang paparating na suliranin sa kakulangan ng diesel at malimitahan ang naturang pag patay sindi ng supply ng kuryente. Nito lang buwan ng Hulyo ika-15, taong kasalukuyan agarang sumulat ang ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera sa pamunuan ng NAPOCOR at agaran naman itong sinagot at nirequire na mag submit ng contingency plan at bilang tugon sinisigurado ng NAPOCOR na may nakahandang diesel upang tuloy-tuloy ang pag daloy ng elektrisidad sa Bayan ng Culion.
#NAPOCOR
#fuelshortage
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan