
KASALANG BAYAN 2022 HANDOG NI MAYOR V PARA SA BARANGAY BURABOD, CARABAO AT HALSEY!
Sa pagpapatuloy ng Karasalan sa Banua (Kasalang Bayan 2022) araw ng biyernes February 25, 2022, ang nasabing kasalan ay ginanap sa Barangay Carabao, Halsey at Burabod (Cluster 4) ito ay parte ng Programang Malasakit ni Mayor V sa ating mga kababayang mag irog at mag katuwang sa buhay na itinataguyod ang pamilya sa matagal na panahon at nais maging legal ang pag sasama. Ito’y libreng kasalan handog kung saan sinasagot ng lokal ng pamahalaan ang lahat ng gastusin sa pagpapakasal. Dumadaan ang lahat sa tamang proseso mula sa pag sumite ng mga mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate, cedula, barangay certificate, valid ID, parents consent (24 years old below) pre marriage orientation certificate at pag dalo sa counseling kabilang sa libreng handog ni Mayor V ay ang paglilitihimo ng mga anak, singsing, souvenir shirt, make-up, pagkain, venue at regalo. Layunin ng programa na mapag tibay ang bawat pamilya sa mata ng D’yos at sa batas para sa magandang kinabukasan na kanila pang haharapin bilang mag asawa. Mabuhay ang bagong kasal!
#ProgramangMalasakit
#KasalangBayan2022
#Libremgkasal
#TatakMayorV
#AbanteCulion