
KASALANG BAYAN PATULOY NA GINAGANAP SA IBAT-IBANG BARANGAY!
PROGRAMANG MALASAKIT UPDATES: KASALANG BAYAN PATULOY NA GINAGANAP SA IBAT-IBANG BARANGAY!
Araw ng Huwebes, ika-22 ng Pebrero, taong kasalukuyan kung saan sa Sitio Alava Brgy. Binudac (Cluster 3) ginanap ang Karasalan sa Banua 2022 (Kasalang Bayan) mayroong 64 na couple ang pinagkalooban ng libreng kasal mula sa Programang Malasakit ni Mayor V. Ito ay taunang handog upang pagtibayin ang pagsasama at maging legal na mag asawa, dahil naniniwala si Mayor V sa mga pamilyang pinagtibay na pinaghuhugutan ng bawat isa ng may pagmamahal at malasakit.
Ang nasabing kasalan ay libreng ipinagkaloob sa lahat ng nais mag pakasal na residente ng nasabing barangay, libre ang lahat mula sa pagproseso ng mga dokumento, sa mga bayarin, sagot din ng lokal na pamahalaan ang singsing, pagkain, venue, regalo, make-up, souvenir shirt at ang paglilitihimo ng mga anak.
Isang pagbati sa lahat ng ikinasal sa araw na ito hangad namin ang inyong pagiging isa tungo sa masagana at masayang pamilya.
#ProgramangMalasakit
#KasalangBayan2022
#TatakMayorV
#AbanteCulion