Skip to main content

Kauna-unahang Culion Tourism Development Plan aprubado na sa Local Tourism Council

Ngayong March 31, 2021 ay nagkaroon ng Quarterly meeting ang Municipal Tourism Council ng Culion, at sa pagpupulong ay naaprubahan ng council ang mga sumusunod:

1. 10-year Tourism Development Plan
2. Adoption of Global Code Of Ethics for Tourism
3. Creation of Culion Tourism Historical Committee

Sa pangunguna ng Municipal Administrator Sir Maxim F. Raymundo katulong ang Municipal Tourism Office ay naiprisenta sa konseho ang lahat ng plano ng pamahalaan patungkol sa pamamahala ng turismo sa Culion at naaprubahan sa kauna-unahang pagkakataon ang Tourism Development Plan ng Culion.

Naaprubahan din ang pagtanggap ng konseho sa Global Code of Ethics for Tourism na syang magiging gabay upang magkaroon ng sustainable tourism ang bayan at mapangalagaan ang mga tao at kapaligiran.

Huling naaprubahan ang pagkakaroon ng Historical Committee na syang tututok sa pagkakaroon ng isang kikilalaning kasaysayan ng bayan.

Sa kabila ng pandemya ay patuloy ang pagkilos ng ating pamahalaang lokal upang pagserbisyuhan ang bayan lalo na sa sektor ng turismo. Hindi titigil ang ating pamahalaan upang masiguro na ang kinabukasan ng ating mga mamamayan ay ating mapabuti at mapaganda.

#serbisyongmalasakit

#abanteculion

#IHEALCulion

#culionabeautifulstory

#culionturismo

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan