
Keep up the good work, Culion Palawan!
BASAHIN:
Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 20 local government units (LGUs) dahil sa illegal, unreported at unregulated fishing (IUUF) at sinabihang ipatupad ang Philippine Fisheries Code at iba pang polisiya upang maprotektahan ang mga mangingisda at coastal communities na nasasakupan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang mga nakatanggap ng babala ay kabilang sa top 20 lugar na may mataas na bilang ng encroachment o paglabag sa paggamit ng superlight at ibang light sources na nakakahikayat sa mga isda at itinuturing na paglabag sa Section 98 ng Republic Act No. 8550 na inamyendahan ng Republic Act No. 10654 Philippines Fisheries Code of 1998.
Kabilang sa top 20 ang Tongkil, Sulu; Zamboanga City, Zamboanga Del Sur; Milagros, Masbate ; Cawayan, Masbate ; San Pascual, Masbate ; Languyan, Tawi-tawi; Calauag, Quezon; Hadji Mohammad Ajul, Basilan; Linapacan, Palawan at Carles, Iloilo.
Kasama rin sa listahan ang Cuyo, Palawan; Santa Cruz, Marinduque; Madridejos, Cebu; Coron, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro; Taytay, Palawan; Magsaysay, Palawan; Catbalogan City, Samar; Cavite City, Cavite; at Quezon, Quezon.