Skip to main content

LAGAY NG PANAHON | February 08, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Lunes, February 08, 2024.

SYNOPSIS:
Base sa latest satellite image, patuloy pa rin ang epekto ng dalawang weather system sa ating bansa. Ang Easterlies o hangin galing sa pacific ocean na syang umiiral sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas na syang nagdadala ng mainit na panahon at pag ulan naman sa malaking bahagi ng Mindanao. Habang mahina pa rin ang Northeast Monsoon o amihan at tanging sa extreme Northern Luzon lamang nakakaapekto.

PAGTAYA:
Ang buong bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at kidlat dulot ng Easterlies/localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-Silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro at may mahina hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart- )
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan