Skip to main content

Lagay ng Panahon | February 3, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Sabado, February 3, 2024.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at kidlat dulot ng Easterlies/localized thunderstorms na may mataas na tsansa ng mga pag-ulan sa Southern Leyte at Eastern Samar area.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0969-284-2343(Smart)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan