Skip to main content

LAGAY NG PANAHON | March 4, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Lunes, March 4, 2024
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng Easterlies/Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin galing sa Silangan hanggang sa Hilagang-Silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro at may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart- )
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan