Skip to main content

Lagay ng Panahon ngayong araw ng Biyernes | February 02, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Biyernes, February 02, 2024.
SYNOPSIS: Base sa latest satellite image, patuloy pa ring mararanasan ang epekto ng Northeast Monsoon o amihan sa Luzon.
Samantal, ang Trough o extension ng Low Pressure Area (LPA) ang nakakaapekto sa Mindanao.
PAGTAYA:
Ang Central Visayas, Negros Occidental at Southern Leyte ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na mga pag-ulan at pagkidlat at pagkulog dulot ng Trough ng LPA.
Ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at kidlat dulot ng Trough ng LPA/localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart- )
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan