Skip to main content

Lagay ng Panahon ngayong Araw ng Huwebes, February 15, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Huwebes, February 15, 2024.
PAGTAYA:
Ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Easterlies.
Ang natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng Easterlies/localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-Silangan ang iiral sa Silangang bahagi ng Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro at may mahina hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan..
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0969-284-2343(Smart)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan