Latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Lunes, November 14, 2022

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Lunes, November 14, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa Southern Mindanao.
Ang buong Visyas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalagitan na may pulo-pulong mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng localized thunderstorms/ITCZ.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan