Skip to main content

LGU CULION-COA ENTRANCE CONFERENCE

Sa pagsisimula ng taong 2024 ay muli bumisita ang COA Team 7 sa buong Calamianes na sinalubong ng isang sayaw ng LGU Dance troupe sa pagdako ng grupo sa Culion nitong January 9, 2024 at agad na nag-courtesy call kay Mayor V ang grupo. Inilahad ng COA ang mga aktibidades at mga hakbangin sa 2023 audit o ang audit thrust 2023.
Kalaunan ay nakipagpulong ang COA sa ating mga Executive Division ng lokal na pamahalaan kasama ang mga department heads sa pangunguna ni Mayor V na humantong sa positibong mga pananalita ng COA Team Leader na si Ms. Teope na siyang nagpapahiwatig na patuloy ang ating pagseserbisyo sa bayan ng tapat at mahusay.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#COAR4BTEAM7

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan