
Libreng Kasalan Handog ni Mayor V
Pabatid!
Libreng kasalan handog ni Mayor V
Mula sa Programang Malasakit ng Administrasyong De Vera, ay muling ipagkakaloob ang “Kasalang Bayan sa Barangay” sa ating mga kababayan ngayong darating na buwan ng mga puso. Ito ay taonang handog ng Lokal na Pamahalaan sa mga nag sasama ng limang (5) taon o higit pa, upang maging legal ang kanilang pagsasama, maging ang kanilang mga dokumento, at higit para sa kanilang mga anak. Ang nasabing kasalan ay hinati sa apat (4) na clusters na binubuo ng mga sumusunod na barangay: Cluster 1 – Poblacion Barangays (Osmeña, Tiza, Libis, Balala, Culango, Jardin at Baldat), Cluster 2 – Malaking Patag at Binudac, Cluster 3 – Burabod, Halsey at Carabao, Cluster 4 – Galoc at Luac. Sa bawat barangay ay maglalaan ng sampung pares.
Ang mga gastusin gaya ng pagkuha ng Birth Certificate (sa mga wala pang BC) at Cenomar mula sa PSA, wedding ring, hair and make-up at bouquet para sa mga kababaihan, wedding souvenirs and photos, pag-aayos ng lisensya, munting salo-salo at iba pa ay libre.
Simula sa araw na ito ang mga nais na magpalista o interesado, ay inaanyayahan na magtungo sa Tanggapan ng Municipal Civil Registrar kasama ang inyong kapareha o makaka-isang dibdib, mula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na ika 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon upang makuha at maitala ang inyong mga datos.
Asahan din po na ang Team Karasalan ay mag-iikot sa outside barangays para sa nasabing paglilista. Pinapayuhan ang magkapareha na magdala o ipakita ang mga sumusunod na dokumento:
1. 1 kopya ng Local or NSO or PSA Birth Certificate or Baptismal Certificate
2. 1 kopya ng Barangay Certification bilang patunay na kayo ay residente ng inyong barangay na sakop ng Culion
3. Xerox copy ng valid ID (Brgy ID, Voter’s ID o anumang government issued ID)
4. 2 x 2 picture
5. Xerox copy ng valid ID ng magulang (para sa edad 25 pababa)
6. 1 kopya ng Death Certificate (para sa mga biyudo o biyuda)
Ang huling araw ng pagpapalista ay sa darating na November 30, 2021, araw ng Myerkules. At para sa karagdagang impormasyon o paglilinaw, kayo ay maaring komontak sa mga numerong (smart) 0939-5499360 / (globe) 0917-7506915 at hanapin lamang si Ms. Indira Chiara G. Lagrosa.
#kasalangbayan2022
#handogniMayorV
#AbanteCulion