
LIBRENG KASALANG BAYAN SA BARANGAY HANDOG NI MAYOR V!
Mula sa Programang Malasakit ng administrasyong De Vera ay muling ipinagkaloob ang libreng kasalang bayan sa Barangay. Ito ay taonang handog ng Lokal na pamahalaan para sa mga nagsasama ng limang (5) taon o higit pa. Kung kaya’t nito lamang February 14, 2022 araw ng mga puso 23 pares sa cluster 1 (Poblacion Barangays) ang naikasal ng libre. Ang seremonya ay ginanap sa harap ng Municipal Ground. At nasundan naman nito lamang February 17, 2022 araw ng huwebes 34 pares ang naikasal ng libre sa cluster 2 (Binudac at Malaking Patag) ang seremonya ay ginanap sa Butnongan Covered. Layunin ng Programang ito na maging legal ang kanilang pagsasama gayundin ang kanilang mga dokumento.
Bakas sa mukha ang tuwa at saya ng mga kababayan. Gayundin, lubos kanilang pagpapasalamat sa nasabing Programa dahil natupad na ang kanilang mga pangarap bilang legal na mag-asawa.
Ang administrasyong De Vera at ang Programang Malasakit ay patuloy sa pagbibigay ng tunay na malasakit, pag-asa at tunay na serbisyo para sa mga kababayan.
#abanteculion
#kasalansabanua