Skip to main content

Life Matters International Bagong Kabalikat sa Programang Malasakit sa Kalusugan

Ating sinalubong at nakausap ang LMI team mula pa sa bansang Amerika ngayong araw, August 18, 2023, upang mapag-usapan ang mga programang maibabahagi ng LMI sa ating lokal na pamahalaan sa pakikipag ugnayan ni Mayor V at ni Dr. Jonamine Fadrilan sa Culion Foundation Incorporated. Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapaunlad ng mga kaalaman ng mga RHU personnel sa tulong at gabay ng LMI sa mahusay na paggamit ng ultrasound machine at iba pang dagdag kaalaman patungkol sa pagpapa-anak.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor V na napili ng LMI ang Culion na pinaka unang tulungan sa pagpapaunlad ng mga serbisyong medikal ng ating lokal na pamahalaan para sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng ating mga kababayan sa Culion.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan