Skip to main content

Livelihood Recovery Plan

Matapos ang COVID 19 Relief Execution Plan ngayong June ay COVID 19 LIVELIHOOD RECOVERY PLAN naman ang ipinapatupad ni Mayor V.

Inatasan ni Mayor V ang Team Abante Culion na ibalangkas ang Covid 19 Livelihood Recovery Program ng ating bayan upang mabigyan ng alternative livelihood ang ating mga displaced earners at workers ganun din ang ating mga magsasaka at mangingisda.

Ang nasabing Covid 19 Livelihood Recovery Program ay agad namang sinangayunan ng Local Development Council at agarang inaprubahan ng ating IATF. Samantalang ang pondong inilaan dito ay inaprubahan din ng ating Sangguniang Bayan.

Sa nasabing Recovery Program ay bumuo si Mayor V ng Assessment at Validation Team upang suyurin at isa isahin ang bawat benepisaryo ng programa na at siguraduhing sila ay karapat dapat, binuo din ang Mentoring at Monitoring Team upang magabayan ang ating mga benepisaryo. Kasalukuyang ang ating mga Assessment at Validation Tean ay umiikot sa bawat barangay na pinangungunahan ng ating mga department heads at kawani ng lokal na pamahalaan.

Inaasahan natin ang mga benepisaryo ay igagawad sa kanila ang kani kanilang alternative livelihood mula Hulyo 1 ngayong taon. Abante Culion!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan