Skip to main content

Livestock and Poultry Livelihood Program

Nito lamang Pebrero 18, 2020 ay nahandugan ng mga biik at Php1,000 cash ang mga kababaihan natin sa Brgy.Binudac handog ng ‘’Livestock and Poultry Livelihood Program’’ sa ilalim ng Programang Malasakit ng ating Lokal na Pamahalaan ng Culion sa pangunguna ng ating Mayor Hon.Ma.Virginia N. De Vera kasama ang mga Sanggunian Bayan Members.

Layunin ng programang ito na kapag napalaki ng 3-4 buwan ang biik ay maaari nila itong katayin at ibenta o kaya naman ay paanakin at paramihin. Sa pagkakataon na gusto nila itong paramihin kailangan nilang magbigay ng biik sa 1 miyembro na hindi pa nakatanggap ng biik at sa mga gusto naman magbenta ng karne kailangan naman nilang magbigay ng Php2,500 sa Punong Barangay Ma.Elena B. Calunia upang makabili ng panibangong biik na ibibigay sa bawat miyembro para sa pagsisimula ng kanilang paghahanapbuhay.

Nais ni Mayor V na palakihin at paramihin ang mga biik na ito upang sa ganoon ay mapaunlad nila ang kanilang kakayanan sa pagnenegosyo at karunungan sa paggamit ng pera sa oras na ito ay kanilang maibenta.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan