
Local Recovery Plan Updates: Fishing Gears Input
COVID LOCAL RECOVERY PLAN UPDATES: IKA-LIMANG BAHAGI NG PAMAMAHAGI (FISHING GEARS INPUT) HANDOG SA MGA MANGINGISDA!
Sa pag papatuloy ng pag i-implementa ng COVID Local Recovery Plan, ngayong araw muling personal na inihatid ng ating masigasig na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera sa ating mga mangingisda ang kanilang mga pangangailangan sa pangingisda bilang ayuda. Kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina SB Solas, SB Astor, SB Dayandante, SB Sarmiento, SK Daco at ilang kawani ng gobyerno.
Ang mga nasabing kagamitan na napag kaloob sa ating mga mangingisda ay tulad ng lambat, largarete, tingga, naylon at mga pataw. Ang mga nasabing kagamitan ay unang ipinamahagi kung saan mayroong mahigit na 26 benepisaryo mula sa So. Canimango at Galoc Proper, 9 sa So. Lele, 13 sa So. Alava, 7 sa So. Berg, 4 Binudac Proper, 4 So. Butnongan at 10 sa Brgy. M. Patag.
Ang nasabing programa ay bahagi parin kung paano masigasig ginagawa ng pamahalaang lokal ang sinumpaang tungkulin nito sa nasasakupan bilang tugon sa pahirap na dulot ng pandemya (COVID-19). Dahil ito’y magandang solusyon na hindi lamang panandalian kung hindi pang matagalang solusyon upang guminhawa ang lahat ng na sa laylayan at darating ang lahat ng sektor ng lipunan ay may sapat na kita na maibabahagi sa kanya-kanyang pamilya at matugunan ang mga pang araw-araw na pangangailangan.
Sa pamunuan ni Mayor V, higit pa niyang naiitindihan ang kalagayan ng bawat sektor dahil sa personal niyang nakaksalamuha ang ating mga kababayan at direktang nauunawaan ang kalagayang ng bawat isa. Kung kaya’t ang sulusyon ay akma sa panganailagan ng bawat isa. Higit sa lahat kanyang napadarama na ang tunay na lingkod bayan ay hindi lamang nanatili sa isang opisana bagkus naipapadama ng lubusan ang pagkalinga nito at pag tupad sa pangakong umabante ang bayan.