LOCAL RECOVERY PLAN UPDATES LIVESTOCK DISTRIBUTION (PIGLETS)

Sa pag papatuloy ng pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng nasabing ayuda sa ating mga kababayan na mula sa Local Recovery Plan, programang makakatulong sa unti-unting pagbangon. Ito’y muling pinangunahan ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia De Vera kasama ang 7 opisyales mula Sannguniang Bayan na sina SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Ballesca, SB Dayandante SB Solas, SB Alcantara at mga ilang lingkod bayan upang direktang maiabot ang agarang tulong upang makapag simula at karagdagang hanap buhay upang maibsan ang krisis na dulot ng pandemya (COVID-19).

Ngayong araw ang mga benepisaryo ng nasabing programa ay nagmula sa Brgy. Baldat na may bilang na 10, 5 mula sa Brgy. Balala, 20 mula sa Brgy. Jardin, 5 sa Brgy. Culango, 8 mula sa Brgy. Tiza at 17 mula sa Brgy.Osmeña. Sa kabuuan may mahigit na 239 livestocks (biik) ang naipamahagi sa loob ng dalawang araw. Ito’y mag papatuloy sa mga sa susunod pang araw, dahil nais ng ating masipag na mayor ay agarang maipabot ang tulong sa ating mga kababayan at maiparamdam ang gobyernong may malasakit sa bawat mamamayan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!