Local Recovery Plan Updates: Livestock Distribution

Ulan, init ito ay hindi hadlang sa patuloy na pag-iikot ng ating Punong Bayan Ma. Virginia De Vera katuwang ang ilang SB Members na sina SB Sarmiento, SB Cunanan, SB Solas, SB Alacantara, SB Astor, SK Daco at ang ilang kawaning handa at laging nakaalalay sa mga plano ng pamahalaan upang matugunan at maisakatuparan ang pag iimplementa ng nasabing programa.

Balewala ang layo o ang hirap maipaabot lamang sa mamayan ang tunay na malasakit at ang gobyernong hindi lamang salita higit sa lahat aksyon na may solusyon. Ngayong araw mahigit 25 na biik ang ipinamahagi sa Brgy. Halsey at Brgy. Burabod bilang tugon sa krisis na kinakaharap na dulot ng pandemya(COVID-19). Direktang iniabot ng ating mahal na mayor sa mga benepisaryo ang nasabing dagdag kabuyahan, Malaki ang pasasalamat ng bawat isa dahil sa malasakit na ipinakikita ng lokal na pamahalaan sa bawat hanay ng lipunan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!