Local Recovery Plan Updates: Ukay Ukay Packages and E-loading Business

Isang masayang araw muli ang sasalubong na mag bibigay pag-asa sa ating mga benepisaryo sapagkat ngayon ang ikatlong araw ng pamamahagi ng kabuhayan bilang karagdagan at panimula alinsunod sa Local Recovery Plan.

Ukay-ukay Packages at E-Loading Business ang handog sa mga benepisaryo ngayong araw (August 5, 2020) kung saan ito ay pinangunahan ng Mahal na Mayor Virginia N. De Vera at ilang opisyales na sina SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Alcantara, SB Ballesca at SK Daco. Ang mga benepisaryo ng Ukay-Ukay Packages ay mula sa Brgy. Patag, Brgy. Binudac at Brgy. Osmena na may kabuuan 8 tao at ang makakatanggap ng E-Loading Business ay mag mumula sa Brgy. Libis, Brgy. Luac, Brgy. Jardin, Brgy. Osmena, Brgy. Tiza na may kabuan 11 na benepisaryo ang nakatanggap ng nasabing programa.

Hindi alintana ang pagod ng ating mahal na mayor sa pagbibigay ng aksyon at solusyon sa ating mga kababayan upang lalong mapabuti ang kalagayan ng bawat isa dulot ng pandemya (COVID-19). Makakaasa ang mamamayan na mag papatuloy pa sa mga susunod na araw ang ganitong aktibidades. Dahil ang hangad ng Lokal maiparamdam ang tunay na serbisyong malasakit sa nasasakupan at pag tupad sa tungkulin.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!