Local Recovery Program

Bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ang kabuhayan dulot ng pandemya (COVID-19), ang Lokal na pamahalaan ay nag lunsad ng Local Recovery Plan kung saan nakapaloob dito ang pag bibigay ng kabuhayan, na naka disenyo sa kung ano ang kakayahan na mayroon sila kagaya nang, livestock inputs, farming and fishing inputs,food vending, e-loading, sari-sari store, ukay-ukay package at beauty care. Ngayong araw opisyal nang sinimulan ang pamamahagi ng biik bilang dagdag kabuhayan sa pangunguna ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia De Vera, kasama sina SB Sarmiento, SB Astor at SB Solas at ilang mga lingkod bayan personal na iniabot ang tulong sa mga benepisaryo ng nasabing programa. Sa kabuan mayroon 31 na benepisaryo mula sa Brgy. Malaking Patag, 36 sa Brgy. Galoc at 63 mula sa Brgy. Binudac ang masayang nakatanggap ng dagdag kabuhayan.

Sa mga susunod na araw ay muling mag iikot ang ating Mayor upang ipag patuloy ang pamamahagi ng tulong para sa muling pag bangon ng ating mga kababayan. Dahil nais ng lokal na pamahalaan na masiguro at maiparamdam na ang tunay na serbisyo ay para sa taong bayan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan