Skip to main content

LOKASYON NA PAGKUKUNAN NG MALINIS NA TUBIG PARA SA KOMUNIDAD NG BARANGAY BINUDAC, ININSPEKSYON!

TINGNAN: LOKASYON NA PAGKUKUNAN NG MALINIS NA TUBIG PARA SA KOMUNIDAD NG BARANGAY BINUDAC, ININSPEKSYON!
Inatasan ni Mayor V ang ating Municipal Administrator, Mr. Maxim F. Raymundo kasama ang Municipal Engineer, Engr. Christie D. Fructuoso upang suriin ang lokasyon ng watershed sa Barangay Binudac upang makakuha ng mahalagang datos para sa gagawin pang matagalang planong “Patubig” at masiguro ang kapasidad ng water source na makakasapat sa tuloy-tuloy na pangangailangan ng buong komunidad sa malinis na tubig kahit sa buwan ng Tag-init.
Ang pagkakaroon ng malinis na tubig ay isa problema sa malalayong Barangay. Kung kaya’t sa ilalim ng Programang Malasakit ni Mayor V ito ay bibigyang tugon upang makapagbigay ng sapat na supply ng tubig sa ating mga kababayan na hindi naabot ng serbisyo ng Culion Water District. Ang Programang Patubig ni Mayor V ay isa sa mga priyoridad dahil sa malaking kapakinabangan nito sa ating mga kababayan.
#BinudacWaterSystem
#ProgramangMalasakit
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan