Skip to main content

Low Pressure Area (LPA) | September 27, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Miyerkules, September 27, 2023
SYNOPSIS: Ang Trough o extension ng Low Pressure Area (LPA) ang syang magdadala ng maulan na kalangitan na may mga pag ulan sa malaking bahagi ng Mindanao gayundin sa central at Eastern Visayas.
Bagamat hindi na ganun kalakas nakakaapekto pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat partikular sa bahagi ng Palawan at Occidental Mindoro.
PAGTAYA:
Ang Central Visayas, Eastern Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Trough ng LPA/Habagat.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Trough ng LPA/Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan