
Mabilis, Maganda at Abot-kayang Serbisyo ang Gusto ng Lahat
Ipinagbawal ng MARINA ang sasakyang pandagat na gawa sa kahoy dahil sa naglalayon ito ng modernization, kaya naman nagkaroon ng fast-craft. Sa pagpasok ng Montenegro Shipping Lines sa industriya ng sea transportation sa Culion-Coron Route ay nagkaroon ng pasama ng pasama na serbisyo sa mga pasahero ng Culion at Coron.
Ang mga tao ay nagrereklamo sa mainit na byahe at biglaang pagtaas na pamasahe ng walang pinabuting serbisyo at walang maagang anunsyo sa publiko. Hindi rin maikakaila ang pabigla-bilang pagkansela nila ng byahe ng wala man lamang pabatid. Sa madaling salita, nawala ang magandang kalidad ng serbisyo.
Dahil sa mga hinaing, nakipag-usap tayo sa MARINA nung 2018 kasama ang ilan sa ating mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Culion. Nagkaroon ng mga conclusion at mga terms na dapat gampanan ang MARINA ngunit hindi ito naaksyonan. Bukod pa dito, nakipag-ugnayan din tayo sa Montenegro Shipping Lines ngunit hindi ito gumagawa ng nararapat na aksyon sa mga hinaing ng taong bayan.
Kamakailan lamang ay minabuti ni Mayor V na sumulat sa ating Presidente Rodrigo Duterte upang irequest ang pagpapatigil ng Circular Order na inissue ng MARINA na pagbabawal sa mga sasakyang pandagat na gawa sa kahoy bilang pampublikong transportasyon at magkaroon ng alternatibong transportasyon sa Culion-Coron Route, upang makapagbyahe ang mga bangka ng ating mga kababayan at matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan.
Samantalang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ng Committee Chairman on Transportation na si SB Felford Solas kasama ang mga miyembro nito na sina SB Warnell Dayandante, SB Nonoy Astor at ABC Rodel Nacachi ay nagpulong at nakipag-usap sa representative ng Montenegro Shipping Lines upang maisaayos ang serbisyo ng fast-craft sa mga pasahero nito. Kasama rin sa pagpupulong sina SB Nilot Sarmiento, SB Celia Cunanan, SKfed Aljon Daco at ang Municipal Administrator, Maxim Raymundo para mailatag ang mga kakulangan na dapat punan at gawan ng aksyon ng Montenegro S.L. at kung ito’y hindi maaaksyonan sa napag-usapang deadline ay masasagawa ang Sangguniang Bayan ng Culion ng mas mabigat na aksyon.