
Magandang Umaga Bayan ng Culion! | August 04,2023
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Biyernes August 04,2023.
SYNOPSIS: Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Luzon. TROPICAL CYCLONE SA LABAS NG PAR AS OF 3:00 AM NGAYON TYPHOON KHANUN (DATING “FALCON”) {2306} LOKASYON: 715 KM NORTH NORTHEAST NG ITBAYAT, BATANES (26.8°N, 124.3°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 130 KM/H MALAPIT SA SENTRO GUSTINESS: HANGGANG 160 KM/H MOVEMENT: HALOS STATIONARY
PAGTAYA:
Ang buong Visayas at ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa