
Magandang Umaga Bayan ng Culion! | August 07,2023
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Lunes August 07,2023.
SYNOPSIS: Southwest Monsoon na nakakaapekto sa western section ng Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa