Skip to main content

Magandang Umaga Bayan ng Culion! | August 10,2023

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Huwebes August 10,2023.
SYNOPSIS: Southwest Monsoon na nakakaapekto sa bansa.
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Northern Palawan, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat. Ang natitirang bahagi ng Visayas at ng Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan