Skip to main content

Magandang umaga Bayan ng Culion | Sabado, July 22, 2023

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Sabado, July 22, 2023
SYNOPSIS: kaninang alas 3:00AM ng madaling araw, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression “EGAY” ay tinatayang sa 825km East ng Southeastern Luzon (14.4°N, 131.8°E) na may maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h. Kumikilos ito Hilagang Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h. Samantala ang Southwest Monsoon o habagat ay patuloy na nakakaapekto sa western sections ng Southern Luzon at Visayas.
Ang Western Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat. Ang Eastern Visayas ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil trough ng TD Egay. Ang natitirang bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Habagat / Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-kanluran hanggang Hilagang-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan