magsagawa ng pangalawang pag-inspeksyon ng mga tindahan sa Iba’t – Ibang Barangay sa Culion

Sa patuloy na pagsunod sa inilabas na Executive Order no.16 o ang tinatawag na Bantay Presyo Task Force ng Lokal na Pamahalaan ng Culion

ay inatasang muli ni Mayor V ang ating mga opisyal sa pangunguna ng ating Municipal Administrator Maxim F. Raymundo kasama ang MDRRMO Armando Lagrosa II, I HEAL Manager for Tourism Jubelle Cabatingan, MAO Arnel Alcantara at MSWD Staffs na magsagawa ng pangalawang pag-inspeksyon ng mga tindahan sa Brgy.Baldat, Malaking Patag, Burabod, Halsey, Binudac, Canimango at Galoc.

Nais ni Mayor V na masiguro na kahit sa labas ng Poblacion ay tama at patas ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kailangan ng mga tao para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya dahil sa deklarasyon ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ng Pangulong Duterte.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!