Skip to main content

MALASAKIT SA ATING MGA FRONTLINERS!

TATAK MAYOR V: MALASAKIT SA ATING MGA FRONTLINERS!

Magmula ng dumating sa ating bansa ang pandemyang COVID 19, ating nasaksihan ang mga pagsubok na hatid ng pandemyang ito at hindi natin maitatanggi ang sakripisyo at dedikasyon ng ating mga frontliners para sa ating mga mamamayan. Sila ang naging katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan sa pagpaptupad ng mga health protocols at pag implementa ng mga tamang mga gawain sa pagsugpo sa pandemya.

Ang mga kaganapang ito ang naging dahilan upang tayo ay magkaroon ng taos pusong pasasalamat sa mga taong walang humpay na nagseserbisyo sa kabila ng sakit na maaring hatid dulot ng pandemya.

Kung kaya’t ngayong ipinatutupad sa ating bayan ang malawakang pag-iingat at nadagdagan ang kanilang mga obligasyon mula sa pagtugon ng mga pangangailangan ng bawat pamilya, hindi isinantabi ng ating butihing Mayor Virginia Nakachi De Vera ang seguridad at kalusugan ng ating mga frontliners. Kung kayat’t kanyang personal na kinamusta ang sitwasyon ng bawat isa sa ating mga frontliners at kasabay nito ay namahagi ng mga vitamins. Sila ang naging tulay kung saan mas napapabilis maiparating sa ating pamahalaan ang tinig ng ating mga mamamayan, sila ang dahilan kung saan mas maayos na napapaabot ang tulong mula sa ating pamahalaan. Kaya itong pamamahagi ng vitamins sa kanila ay isang munting pasasalamat lamang mula sa ating butihing Mayor, dahil hindi nila alintana ang pagod maiparating lang ang tulong.

Maraming salamat sa patuloy na pag abot ng serbisyo sa ating mga mamamayan. Munting hiling lamang na ating maibabalik sa kanila ang ating kooperasyon, pang unawa at Pagmamahal sa ating bayan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan