
MALAWAKANG PROYEKTO SA PAGPAPAYABONG NG MANGROVE ECOSYSTEM INILUNSAD SA BAYAN NG CULION!
TINGNAN: MALAWAKANG PROYEKTO SA PAGPAPAYABONG NG MANGROVE ECOSYSTEM INILUNSAD SA BAYAN NG CULION!
Ang ating bakhawan ay malaking tulong at mabisang panangga sa panahon ng bagyo tulad ng malalakas na alon at soil erosion na malaking banta sa buhay ng mga naninirahan malapit sa mga baybayin, kaisa ang administrasyon ni Mayor V na sumusuporta sa layuning mapaigting ang seguridad ng ating Mangrove Plantation. Dahil sa magandang layuning ito, nagsanib-pwersa ang Pamahalaang Lokal, USAID Fish Right, CFI, at GCash upang mapanumbalik ang pagpapayabong ng 50 hektaryang bakhawan sa bayan ng Culion.
Tuwing buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang International Mangrove Day. Ang pagdiriwang ito ay ginaganap kahapon ika-26 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa Barangay Baldat Covered Court. Ito ay sinimulan ng Sabayang Pagsayaw, Fun Walk at sinundan ng isang maikling programa. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang sektor mula sa mga Kawani ng Munisipyo, DepEd, PNP, Barangay Officials, IPs, Culion Eco Warrior, Youth and Women Volunteers. Bilang pagpapatibay, nilagdaan ni Mayor V ang dalawang mandato. Ito ay ang Executive Order No. 38 s. 2022 para sa Selibrasyon ng pagtatanim ng bakhaw at ang Executive Order No. 43 s. 2022 para sa Pangangailangan sa Scholarship Program ng mga Estudyante.
Lumahok ang bawat kinatawan sa Ceremonial Handshake at Mangrove Planting Activity na pinunduhan ng GCash, kasama ng mahigit dalawang daan estudyanteng iskolar ng Programang Edukasyon ni Mayor V.
Bilang parte ng programa, sa pangunguna ni Mayor Virginia N. De Vera at Municipal Administrator Maxim F. Raymundo inilatag nila ang mahahalagang panukala para sa Programang patubig (3rd level) at sustainable livelihood, na agad naman itong inaprobahan ng mga partners.
Patuloy ang pag-abante para sa pagpapayabong ng kaalaman sa pagpapahalaga sa ating likas na yaman.
#mangroverehabilitation
#gcash
#cfi
# usaidfishright
#CulionDiaries
#abanteculion