
MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO BAYAN NG CULION!
Nais ipaabot ng ating mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera ang kanyang pagbati sa lahat ngayong nalalapit na araw ng mga puso . Sa February 14, 2021, linggo, simula alas dos ng hapon ay ihahandog ni Mayor V ang HARANA SA PANDEMYA sa lahat ng mga Poblacion Barangays. Abangan ang mobile harana sa inyong barangay at sundin ang mga health protocols gaya ng pagsuot ng facemask, face shield at pag-observe ng social distancing. Makipag-ugnayan sa inyong mga Brgy. officials o sa Tourism Office para sa inyong mga katanungan.
Patuloy ang pagmamahalan sa Culion. Patuloy ang serbisyong may malasakit.