
Maligayang pasko!
Kapuso, Kapamilya, Kapatid at Ka-Abante!
ang Pasko ang isa sa pinakahihintay natin selebrasyon sa buong taon, ito ay tanda ng pagsilang ng ating tagapagligtas na si Hesukristo at pinagmulan ng ating pananampalataya. Ating pagnilayan ang tunay na kahulugan nito at walang hanggang pasasalamat sa mga biyaya at pagpapala.
Ngayong kapaskuhan ang tanging dalangin ko bilang inyong Punong Bayan ay manatili sa atin ang bayanihan ng malasakit at puno ng pagmamahal sa bawat isa. Nawa’y ang panahong ito ay akayin tayo na mas mapalapit sa ating pamilya, sa ating simbahan at kapwa tungo sa patuloy na pag usbong ng ating bayan sa kaunlaran na mayroong matibay na kinabukasan at mapayapang pananampalataya.
Maligayang Kapaskuhan sa ating lahat!
Pagbati mula sa Lokal na Pamahalaan ng Culion
sa Pangunguna ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit