Skip to main content

MALISYUSONG FB Post ni ART VENTURA ay isang BOGUS at FAKE NEWS!


Mariing ikinokundina ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Culion ang malisyusong FB post ni Art Ventura at ng kanyang mga kasapi patungkol sa di umano ay mga di kilalang taong dumating sa bayan ng Culion kahapon ng gabi. Kahit walang tamang basehan ay malisyusong pinakalat ang mga mali at mapanghusgang hakahaka.
Lingid sa kanilang kaalaman, ang nasabing grupo ay empleyado mula sa ating kapitolyo na bumisita sa bayan ng Culion para sa isang opisyal na trabaho ( Makikita sa mga larawan sa baba ang tatlong speedboat at mga drivers nito).
Ang nasabing grupo ay nagcourtesy call sa ating punong bayan na nagkataon namang kasama ang OIC ng PNP ang punong bayan ng Culion ng mga oras na iyon dahil sa isang opisyal na pagpupulong.
Kasalukuyan ay iniimbestigahan ng kapulisan ang pinanggalingan ng maling impormasyon na siya namang iresponsableng pinakalat ni Art Ventura sa kanyang FB account. Handa ang lokal na pamahalaan na kasuhan ang mga taong nasa likod nito at nagpakalat ng mali at malisyusong impormasyon.
Ang iresponsable at malisyusong pagpapakalat upang makapanira ay hindi kailanman katanggap tanggap sa bayan ng Culion.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=4409080002441876&id=100000197591300

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan