Skip to main content

MAYOR V NAMAHAGI NG SCHOOLS SUPPLIES PARA SA REPRODUKSYON NG MGA SELF LEARNING MODULES

PROGRAMANG MALASAKIT SA EDUKASYON UPDATES:

MAYOR V NAMAHAGI NG SCHOOLS SUPPLIES PARA SA REPRODUKSYON NG MGA SELF LEARNING MODULES.

Isa sa mga naging prayoridad ng administrasyon ni Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ay ang pag patututok at pag sulong sa edukasyon sa bayan ng Culion.

Sa pag papatuloy ng Programang Malasakit sa Edukasyon, nito lamang Biyernes, September 3,2021 namahagi si Mayor V, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members ng mga school supplies na Bond Papers at Inks bilang suporta sa pag imprinta ng self learning modules para sa 28 public schools sa ating bayan. Namahagi rin si Mayor V. Ng mga PPEs bilang dagdag proteksyon ng ating mga mahal na guro na walang sawang nag pupursigi na maihatid ang edukalidad sa ating mga kabataan.

Ang aktibidades na ito ay naisakatuparan sa ilalim ng Programang “School Participation Enhancement Program”, na nag lalayong mas dumami pa ang mga mag aaral na pumapasok at nag patuloy ng pag aaral sa kabila ng pandemyang kinahaharap sa ngayon

Patuloy na aagapay at susuporta ang ating Lokal na pamahalaan tungo sa pag abante ng edukasyon.

#ProgramaangMalasakitParasaEdukasyon
#LGUkaagapayngDepEd
#WorkingMayor
#AbanteEdukasyon
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan