Mayor V nanawagan sa ating Pangulo Patungkol sa mga Delayed na Pension ng ating mga Senior Citizens

Mayor V nanawagan sa ating Pangulo patungkol sa mga delayed na pension ng ating mga senior citizens. Matapos ang pakikipagugnayan sa mga ahensya ay minabuti na ng ating Punong Bayan na idulog na ang isyu sa ating Presidente upang matugunan ang mabagal na pag usad ng ginagawang validation ng opisina ng DSWD national at regional.

Kamakailan lang ay natanggap na natin ang kasagutan sa idinulog na isyu ng ating punong bayan na inaasahan na bago matapos ang buwang ito ay maayos na ang listahan ng ating bayan upang matanggap muli ng ating mga minamahal na senior citizens ang kanilang pensions.

Ipinahayag din ni Mayor V ang pagtutol na ibalik sa dating proseso na kung saan ang ating mga senior citizens ang syang bababa ng bayan. Nanindigan si Mayor V na nais pa din nyang ihatid sa ating mga senior citizens ang kanilang mga pension.

Samantala sa pangunguna ni SB Cecilia Cunanan bilang acting Vice Mayor ay nagpasa din ng resolusyon ang ating Sangguniang Bayan sa pagdulog ni Mayor V sa ating Pangulo.

Abante Culion.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!