
Medical Outreach Program at Brgy. Luac
Programang Pangkalusugan ni Mayor V | Medical Outreach Program at Brgy. Luac & #PinasLakas Bakuna Kontra COVID-19 at So. Detopiac | August 26, 2022
Parte ng serbisyong publiko ng ating lokal na pamahalaan ay ang serbisyong medikal ng ating MHNO. Sa pangunguna ni Dr. Pamela Daniel at ng buong RHU Medical Team, ang regular na pagbisita sa mga barangay ay naglalayong mas mapalapit sa mga taga-Culion ang mga programa at serbisyong pangkalusugan.
Kabilang sa ginawang medical outreach program ay ang mga sumusunod:
– General health consultation
– Immunization o bakuna para sa mga babies
– Vaccination laban sa COVID-19 (primary series at booster dose)
– Free circumcision drive
– Pagbabahagi ng maintenance medication para sa mga Senior Citizens
– Prenatal check-up
– Contraceptive implant insertion at DMPA injection
Kabilang sa mga sumuporta ay ang Brgy. Kap. ng Luac Hon. Andy Daboc, mga Brgy. Kagawad, at mga Brgy. Health Workers at Brgy. Nutrition Scholars.
Isang makabuluhan at dalisay na serbisyo ang hangad ng inyong lingkod upang mapanatili ang kalusugan ng bawat mamamayan ng Culion.
#AbanteCulion #PinasLakas