
Meeting with Department of Education: Local School Boards
Bilang agarang pag-tugon sa mga prayoridad na pangangailangan ng mga paaralan sa distrito ng Culion patungkol sa new normal set-up ng pag-aaral, ang ating butihing Mayor, Hon. Ma. Virginia Nacachi De Vera ay nagpulong kasama ang mga myembro ng Local School Board, upang agarang matugunan ang mga kagamitang kakailanganin ng ating mga guro partikular sa unang bahagi nang semester ng school year ngayong taon. Sinigurado ni Mayor V na makuha ang commitment ng mga guro na sa kabila nang implementasyon ng “Modular Distance Learning delivery modality” ay magiging kalidad pa rin ang matututunan at masiguradong natututukan ang pag-aaral sa pakikipagtulungan din nang mga magulang sa kani- kanilang tahanan.
Mas lalong pinaigting ng LGU ang suporta sa ahensya ng edukasyon, maliban sa mga naunang napagusapan na pagkakaloob ng gadgets, 2 parabolic antenna, 4 na chariots at fuel na gagamitin ng mga guro. Nagbigay din ang local na pamahalaan kagaya ng mga sumusunod:
1. pag kakaroon ng risograph machines, at pag assign ng LGU employees na mag iimprenta ng mga nasabing modules sa bawat paaralan.
2. pag bibigay ng mga kinakailangang bond papers
3. Paglalagay ng Hand washing facility
4. Kompensasyon ng 1 para-teacher na aagapay sa mga mag-aaral ng Alulad IP ES.
Dahil nais ng pamahalaan sa ganitong panahon ay nais ipadama ang pag mamahal at laging kabalikat para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at matulungan ang ating mga bayaning guro sa panahon ng pandemya.