Skip to main content

Mga Dapat Gawin Kapag May Naka-tapak ng Gatasan o Stone fish

Magandang Araw Bayan ng Culion!
“Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office”
(Pagbibigay Impormasyon o Kaalaman)
Stonefish at iba pang nakakatusok na isda.
Mayroong ilang mga isda, tulad ng Stonefish, na maaaring makasakit kapag hindi sinasadyang natapakan, o hawakan.
Ang tusok ng stonefish ay nagdudulot ng matinding sakit. Ang pamamaga ay maaaring kumalat sa bahagi nang natusok sa loob ng ilang minuto.
Mga maaring mangyari kapag natusok:
✓Hirap sa paghinga
✓Irregular na pulso
✓Low Blood Pressure
✓Pagkahilo o pagkawala ng malay
✓Matinding pagdurugo
✓Pagtatae
✓Pagkirot ng kalamnan
✓Panginginig
✓Kombulsyon
✓Pagkaparalisa
PANG-UNANG LUNAS:
1.Tumawag ng ambulansya.
2.Ilubog ang apektadong bahagi sa mainit na tubig upang maibsan ang pananakit.
***Subukan munang ilagay ang hindi apektadong bahagi ng iyong katawan sa mainit na tubig upang matiyak na hindi mo nasusunog ang iyong sarili.
3.Huwag maglagay ng pressure immobilization bandage.
***Iwanan ang anumang barbs o spines sa lugar at maglagay ng padding sa paligid na bahagi ng natusok.
4.Kung ang tao ay nawalan ng malay at paghinga, simulan ang CPR (cardiopulmonary resuscitation).
From: CULION EMERGENCY RESPONSE UNIT
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (Smart-CERU)
CTTO:MDPI
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan