Mismong si Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ang Personal na Pumunta para ipamahagi ang Ayudang Gulay na inihanda ng Pamahalaan

Mismong si Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ang personal na pumunta sa Sitio Canimango ng Barangay Galoc at Sitio Kabel-Kabel ng Barangay Malaking Patag nitong ika-2 ng Mayo taong 2020 upang mamahagi ng mga ayudang gulay na inihanda ng Lokal na Pamahalaan para sa mga nasasakupan. Katuwang ang ilang kawani ng Pamahalaan ay nabigyan ng gulay ang mga pamilyang naninirahan sa bawat sitio sa maayos na paraan ng pagpila at sa paraan ng paghahatid sa kani-kanilang mga tirahan.

Patuloy ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng barangay sa bayan ng Culion ng mga ayudang kailangan ng pamayanan para sa walang kasiguraduhang pagbabalik ng dating nakasanayang pamumuhay bungsod na dalang panganib ng seryosong sakit na Corona Virus Disease 2019.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!