Mobile Registration and IEC Campaign on Kasalang Bayan

Sa patuloy na pagsasagawa ng Mobile Registration and IEC Campaign on Kasalang Bayan ng programa ni Mayor V, ang ating Municipal Civil Registrar Team ay tumungo sa Sitio Detopiak sa Barangay Luac noong Pebrero 11 taong 2020 sa pangunguna ng Program Manager na si Ms. Indira Chiara G. Lagrosa.

Ang MCR Team ay nakapagtala ng 60 bilang ng nangangailangan ng request sa kanilang Certificate of Live Birth (COLB) Philippine Statistics Authority (PSA) para sa requirements ng Kasalang Bayan, 16 naman ang nagrequest para sa kanilang CENOMAR at 8 magkasintahan naman ang opisyal nang napabilang sa listahan ng talaan ng Kasalang Bayan. Mayroon din 5 bilang ng mga kababayan natin ang nag-request at nangangailangan ng Cerificate of Marriage (COM) PSA. Nakapagtala din sila ng paglagda sa 2 Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF) Form ng mga nanay para sa kanilang mga anak.

Ang Mobile Registration and IEC Campaign on Kasalang Bayan ng MCR ay nagpapatuloy sa paglilibot sa buong Bayan ng Culion hangang sa ngayon para matulungan ang ating mga kababayan sa pagrerehistro at sa pangangailangan nila patungkol sa PSA.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!