
MODEL MANGROVE FOREST NG CULION SA BALDAT, TINANGHAL NA 1ST RUNNER UP
LOOK: MODEL MANGROVE FOREST NG CULION SA BALDAT, TINANGHAL NA 1ST RUNNER UP BILANG BEST WOMEN MANAGED MANGROVE PROTECTED AREA SA BUONG CALAMIAN. BAFFA SUPORTADO NI MAYOR V!
Ang ating mga mangingisda at mag sasaka ay ang isa sa mga sektor na apektado ngayong nahaharap ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya. Ngunit sa kabila nito’y buhay na buhay ang diwa ng malasakit upang pangalagaan ang ating mga likas na yaman na pinagkukunan ng kabuhayan.
Ngayong araw ay GINANAP ang 3RD RECOGNATION AWARDS FOR ENHANCED ECOSYSTEM (RACE) upang bigyan ng pagkilala ang mga natatanging community eco-heroes at kilalanin ang mga natatanging gawain o best practices sa watershed at coastal resource management.
Sa unang pagkakataon ang Baldat mangrove forest na pinamamahalaan ng Barangay Baldat Fishermen & Farmers Associaton o BaFFA na katuwang ng lokal na pamahalaan ng Culion ang hinirang na 1st runner up bilang “Best Women Managed MPA sa buong Calamian na tinuturing na modelong mangrove area sa bayan ng Culion na kamakailan lamang ay s’ya ring napili na maging benipisyaro ng financial assistance mula sa Tanggol Kalikasan Inc.
Isang mensahe ng pasasalamat at pag bati ang ang ipinaabot ni Mayor V, sa PATH foundation Inc, and Calamian Island Group (CIG),Community Centered Conservation at ibat ibang stakeholders gaya ng CFI, FishRight PCSD at iba pa na naging katuwang ng LGU sa mga porgramang may malasakit sa kalikasan.
#CulionBaldatMPA
#BaFFa
#1stRunnerUp
#AbanteCulion