Skip to main content

MSWD PROGRAM IMPLEMENTATION AND REVIEW MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

TIGNAN: MSWD PROGRAM IMPLEMENTATION AND REVIEW MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
Noong ika-17-18 ng enero ay matagumpay na naisagawa ang Presentation of 2022 Annual Accomplishment Report and Execution plan 2023 ng tanggapan ng MSWD sa pangunguna ng ating MSWDO Arlene Iso-ballesca na sinubaybayan ng ating aktibong Municipal Administrator Sir Maxim F. Raymundo. Ito ay taunang ginagawa ng tanggapan upang makita at malaman ng bawat isa ang mga programa na ating naipapatupad, maging ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng programa. Layunin nito na mas maging maayos, epektibo at mas maging mabisa pa ang pagpapatupad ng ating mga programa at serbisyo.
kasama ang KALAHI, SLP at PANTAWID program sa mga naglahad ng kanilang accomplishments.
Ang taos pusong pasasalamat ng aming tanggapan sa ating municipal administrator na tumutok sa amin at nagbigay ng kanyang mga rekomendasyon para sa mas maayos pa na daloy ng aming mga programa..
asahan nyo po na mas lalo pa nating pagbubutihin ang ating serbisyo upang maiparating ang tunay na malasakit sa bawat isa tungo sa patuloy na pag abante ng ating bayan
#AbanteCulion
#MSWDOPROGRAM
#MSWDOINACTION
#MSWDOSERBISYOATMALASAKIT
Culion Municipality
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan