
Mula sa Section 32 ng RA 7160 o Local Government Code ay Nag-issue si Mayor V ng Executive Order No. 24, Series of 2019 para Masimulan ang Mentoring sa Barangay
Sa loob ng maraming taon ay hindi natutukan ang pagpa-plano para sa mga barangay. Upang masiguro ang mas maayos na implementasyon ng mga programa para sa iba’t-ibang sektor ng bawat barangay ay pinangunahan ng ating lokal na pamahalaan, sa direktiba ng ating punong bayan, Ma. Virginia N. De Vera ang pagbibigay ng gabay sa paggawa at pagbuo ng kanilang mga plano para sa mga nasasakupang barangay.
Mula sa Section 32 ng RA 7160 o Local Government Code ay nag-issue si Mayor V ng Executive Order No. 24, series of 2019 para masimulan ang Mentoring sa Barangay. Sa pangunguna ng ating municipal administrator, Maxim F. Raymundo, designated MDRRMO, Armando Lagrosa II at MSWD Arlene Ballesca, ay naisagawa ng matagumpay ang dalawang araw na pagbuo ng kanilang mga plano.
– Gender and Development Plan
– 20% Development Plan
– BDRRM Plan
– BCPC Plan
– BPOPS Plan
– BADAC Plan
– Senior Citizen Barangay Budget
– Person with Disability Barangay Budget
Sa loob ng apat na taon ay katuwang ang LGU Culion ng ating mga barangay para sa patuloy na pag-abante ng ating bayan. Ito ay kasama sa Programang Malasakit sa administrasyon ni Mayor De Vera na walang sinumang sektor ang maiiwan sa laylayan ng ating lipunan.