Skip to main content

Municipal Disaster Risk Reduction And Management Office (MDRRMO) Ay Nakatanggap Ng Report Patungkol Sa Isang Distressed Vessel Sa Harap Ng Bugor Island

Ngayong araw ng Martes July 25, 2023, ganap na alas dyes ng umaga (10:00am) at alas tres ng hapon (3:00pm) ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay nakatanggap ng report patungkol sa isang distressed vessel sa harap ng Bugor Island lulan ang lima katao na pasahero at isang missing motorized banca na sakay ay isang mangingisda mula Sitio Biong Barangay Osmena.
Ating matatandaan na mahigpit na ipinagbabawal ng PCG ang paglalayag ngayong araw dahil na rin sa masamang lagay ng panahon (Gale Warning) na maaaring magdulot ng disgrasya sa sinumang maglalayag.
Sumama ang team ng MDRRMO upang umalalay at asistehan ang isang bangka na nagrescue sa distressed boat malapit sa Bugor Island upang maseguro na ligtas silang makakabalik sa kanilang tahanan.
Sa ikalawang insidente, base na rin sa utos ng ating butihing Mayor, Hon. Ma Virginia N. De Vera, ay sinubukan ng team ng MDRRMO katuwang ang Coast Guard Culion upang mag sagawa ng Search and Rescue operation sa napaulat na nawawalang mangingisda, subalit dahil na rin sa sobrang lakas ng ulan, hangin at laki ng alon, nagpasya ang team na bumalik na lang muna para na rin sa kaligtasan ng mga rescuer. Ang SRR ay magpapatuloy kapag humupa na ang sama ng panahon.
Anumang impormasyon sa kinaroroonan ng nasabing missing person ipagbigay alam po agad sa ating opisina sa mga numerong nakasaad sa ibaba.
Muli po nating pina-aalalahanan ang ating mga kababayan na tumalima sa mga ipinag-uutos ng otoridad sa panahon ng bagyo para na rin sa ating kaligtasan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (Smart – CERU)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan